Ako'y ibinaon sa putik ng kalokohan
Lumabas at Inilantad ang nakatagong katauhan
Bagkos ay namighati na bumalik sa nakaraan
Ng minsang napagtanto ang di kabutihan

Binasa ko ang tinig ng isang dayuhan
Ng aking malamang tayo'y kawawaan
At dahil sa punto ay nahihirapan
Na amining ako rin ay sa likod ng bayan

Di ko man masisi ang aking binasa
Pagkat kahit anong tanggi ko'y ito'y hindi binasta
At kahit na ikaw ang siyang mapagsabihan
Ang Bayan nati'y ating tinatalikuran

Kulang raw sa pagmamahal at respeto
Sa sariling ating gawa, tayong Pilipino
Damdaming tayo'y alipin ng mga taong dayo
Inilabas ang sarili sa kalunos na distrito

Princess Bernadette Anillo

http://www.poemhunter.com/poem/bihasang-alipin/