Dalawin ka man ng lindol o bagyo
Manatili ka pa ring nakatayo
‘Wag kang magpadala sa mga gan’to
Iyong iwasan ang sakit sa ulo.

Mga bulkan ma’y magalit sa iyo
At tustahin ang iyong pagkatao
Pero ikaw ay ‘wag magpatalo
‘Yong tunay na lakas ipakita mo.

Bumangon ka at lagi kang bumangon!
Pagtagumpayan mo ang mga hamon!

www.princeobed.multiply.com
www.obed-dela-cruz.blogspot.com

Copyright © 2010 by Obed Dela Cruz

(February 4,2010; Marikina City)

(The poem is written and owned by Obed Dela Cruz. To use it in a proper manner, please email him at princeobed_dc@yahoo.com)

Obed dela Cruz

http://www.poemhunter.com/poem/bumangon-ka/