Kataksilan mo'y nanghahagupit,
Kastigong dala'y napaka-lupit,

Puso ko'y nagkagutay-gutay,
Pati katinua'y pinapatay,

Dugo't kirot na tumatagas,
Dulot ay kabiguang di magwawakas,

Hapding tila'y naninilaw,
Haplos nito'y nakaka-baliw,

Sarili'y nawawalan ng imik,
Sa saklap na lang ng pag-iisa'y iiyak.

Gianni Pansensoy

http://www.poemhunter.com/poem/dahas-ng-kataksilan/