Surprise Me!

Jun Insigne - Pagmamahal (Benevolence)

2014-11-08 2 Dailymotion

Minsan may mga bagay na nais nating makamtan
Akala natin mundo ay wala ng katapusan
Ngunit sa pag-ikot nito doon natin makikita
May naghihintay pala na isang magandang umaga.

Kaya napakahalaga ng bawat sandali
Na ang kasama mo ay ang mahal mo
Dahil dito mo mararamdaman
Dahil dito mo makikita, mapalad ka pala
Pag nagawa mo ang isang bagay na talagang gusto mong gawin

Walang makakapigil sa totoong nararamdaman,
Ang iyong sarili at ang iyong puso lamang.
Ang sarap ng pakiramdam ng maging totoo,
Walang daya, walang kasinungalingan.
Kahit ang isipan, puso’y hindi kayang hadlangan.

Wala namang dapat isipin kung hindi ang makasama sa habang buhay
Ang minamahal ng totoo at tapat.
Ngunit may mga bagay na kahit anong gawin,
Kahit pilitin ang sarili, ang hirap magawa
Pero kung tutuusin, napakadali naman pala.

Ganoon ang buhay, kung ano ang gusto hindi naman para sa iyo.
Pero sa kabila ng lahat, napakasarap ng magmahal, lalo na at mahal ka rin.
Kaya namang matupad, kahit ano ang hadlang;
Ang pinakamahalaga ay maging totoo sa bawat isa, sa mundong ginagalawan,
Sa Sarili at sa Pagmamahal.

Jun Insigne

http://www.poemhunter.com/poem/pagmamahal-benevolence/

Buy Now on CodeCanyon