Sipunin si Nene noong una ko'ng masilayan
At sa paglalaro ng tayaan-pung tila walang kamalayan,
Kahit pa nga ba panloob ay lawlaw, garter ay maluwang
Wala siyang pakialam kahit na makitaan, tumiwangwang!

Tumugtog ang malanding rap, agad umiindak
Sa saliw nito, tila walang kahihiyang itinatambad,
Ang balakang na bubot umiikot, paa'y pumapadyak
Nais makipagsabayan sa harot ng video'ng nakatambad.

Minsan, siya ay nakisali sa larong bahay-bahayan
Kalaro'y sampung taong gulang bilang tatay-tatayan,
Naglutulutuan, kunwari'y may suyuan
Hanggang nauwi sa isang tagpong di mawari kung bakit nasumpungan!

Sila ay nadatnan sa anyong naglalampungan
At sa ayos nila, tila kainosentihan naglaho bigla,
Kamunduhan ay bakas sa mga mukha nila
Kagya't napalis ito nang sila'y natuklasan!

Inosente pa rin ba na maituturing
Mga bata'ng naglimayon, sa kapitbahay sumusuling,
Dapat ba'ng sisihin ang tulad nila
Saan at kanino ba namulat ang kaisipang gaya ng meron sila?

SINO ANG MAY SALA?

(Isang trahedyang naikwento sa akin ng isang sampung taong gulang...)

Inner Whispers

http://www.poemhunter.com/poem/inosente-pa-rin-ba/