Ang init...puso ko'y nasasabik!
Kabog ng dibdib, hindi mapigilan ang bilis ng pagpintig,
Kakaibang sensasyon ang nililikha ng iyong tinig
Hindi ko mawari, kung ano-ano na ang naglalaro sa isip!

Bulong ko: Ewan ko...ano ito...
Ngunit batid ko, nararamdaman ko
Ang kalam ng sikmurang di mawari kung ano
Namimilipit, di mapakali, may ibig marating, may gustong makamit!

Ahhh... Sa bulong mo, ako'y napapikit
Tila may halik sa tengang matamang nakikinig,
Napakaga-labi, yakap mo'y aking hiniling
At halik na lulukob sa damdaming nangungulila't sabik!

Halika na, ang hiling ko...Haplos mo'y hanap ko...
Mata mo'y nais matitigan, hanapin ang pagmamahal
At damhin ang init ng hiningang nasasabik
Sa masidhing pagnanais makasama't makaniig!

Sadya nga ba'ng mananaig, tupok ng pag-ibig?

Inner Whispers

http://www.poemhunter.com/poem/t-u-p-o-k/