Natagpuan kita sa parang ng Nilikha
Katumbas ay paghanga sa mga katagang makata,
Nagsimulang balik-balikan ang mga pahina
Upang namnamin ang damdaming nakaukit sa bawat salita.

Batid ko na isa kang makata
Sapagkat nilalaman ng puso mo ay halata,
Ang sabi nila: Ang likas na romantiko at karinyoso
Lilikha at ididibuho ang hinaing ng isip at puso!

Ako ay nabighani sa iyong katapatan
Nang sinimulan mo ang seryosong usapan,
Binuksan mo ang pahina ng buhay mo at ako'y naliwanagan
Kung bakit sa panulat mo'y kaiba ang nilalaman.

Paniniwala ko, lahat ay may puso
May damdaming makata na kaakibat sa pagkatao,
Pilit ma'ng ito'y supilin at itago
Isisigaw ito ng puso't isipan mo!

Salamat, natagpuan kita, aking makata!

Inner Whispers

http://www.poemhunter.com/poem/aking-makata/