Surprise Me!

Inner Whispers - ! D A L O Y

2014-11-10 1 Dailymotion

Sa natagpuang malinis na batis ay nakayapak na lumusong
Nagpatangay sa daloy, duyan ng pangarap umusbong,
Hinayaang lumaya ang hinaing ng puso at kanyang bulong
Ligalig na hatid nito'y ninamnam, handa na ba'ng isulong?

Mabilis ang daloy, tinangay ang walang tutol na panaghoy
Tangis ng puso, init ng pag-ibig ay nagningas, umapoy!
Himagsik ng kalooban pilit na sinikil, di tinukoy
Ano ba, bakit ba, pagkalula'y naramdaman sa kanyang ugoy!

Tila higop ng kumunoy, mapagkit ang kapit
Magneto ng daloy ay hindi maiwasan kahit nakapikit,
Ang lakas ng hatak, hindi malabanan kahit na kumapit
Sa paniniwalang ito lamang ay magdudulot ng hinagpis at pait!

Natuto ngang pumaimbabaw, sa daloy ay nagpatangay
Agos ng mapanglaw na pananabik sa kanya'y sumabay,
Daloy ng kasiyahan, ninamnam ang pag-ibig na tunay
Tinangay ng masidhing pagsinta na walang kapantay.

Sa daloy ng pangarap kanyang nabatid
Hangaring makamtan ang kaligayahang hatid,
Pag-ibig na wagas dumaloy sa puso'ng sabik
Tinupad ang hiling ng kanyang matapat na gibik!

Saan ba patungo, daloy ng hangaring ito
Sa dulo ba ng talampas, mahuhulog ba o hihinto?
O kakapit at tatayo, humakbang palayo dito
Upang sa ituktok ng talampas, daloy ng pangarap itatayo?

Pag-ibig na dumaloy, sa puso'ng hapo
Ngayo'y tigib ng pagnanasang magkapanagpo,
Isakatuparan ang hinaing ng sabik na puso
Maging isa, sa daloy ng pag-ibig ay magpatangay ng buong puso!

Inner Whispers

http://www.poemhunter.com/poem/d-a-l-o-y/

Buy Now on CodeCanyon