Surprise Me!

Inner Whispers - ! ! LARO ng PUSO

2014-11-10 16 Dailymotion

Ilang beses na ba'ng pumintig, yaring lalagyan ng pag-ibig?
Isa...dalawa...tatlo... ganito ba ang umibig?
Hindi mapigilang maakit sa hinaing ng mga katagang naririnig,
Puso ba ay nadadala na lamang sa tamis ng kanyang bibig?

Kabog ng dibdib sa bawat saglit, tila ba tumatahip
Kilig na dulot sa kanyang alay na langit ang kalakip,
Sa bawat patunay na kanyang binabanggit
Tunay na pag-ibig, iniaalay ang puso, saksi pati langit!

Ngunit kapagdaka, tila paningin ay nag-iba
Masidhing pag-ibig ay binalot ng suspetsa,
Kagyat kinain ng agam-agam, ang puso ay hindi na gaya ng umpisa
Naniwala sa Laro ng Puso, totoo nga ba ito, tama nga ba siya?

Laro ng Puso, ito nga ba'y may patotoo?
Bakit hindi, tunay nama'ng mapaglaro ang puso
Minsa'y umiibig, minsan nama'y nasusuklam
Minsan ay puno ito ng tamis, sa kalauna'y tigib ng pait!

Laro ng Puso, saan ka ihahatid nito?
Sa kawalang katiyakan ba o sa pag-ibig na totoo?
Makailang beses nga ba dapat umibig ang puso?
Huwag naman sana'ng mauwi sa pag-ibig na tanso!

Inner Whispers

http://www.poemhunter.com/poem/laro-ng-puso/

Buy Now on CodeCanyon