Surprise Me!

MELVIN BANGGOLLAY - BOTO MO, IPATROL MO

2014-11-10 2 Dailymotion

BOTO MO, IPATROL MO
Melvin Banggollay

B-oto mo, ipatrol mo
Huwag ikahiya ito
Bagkus ipahayag mo
Ng yong buong puso.

O-o, dagling tatalima
Na may pagkakaisa
At ihayag ang marka
Sa sagradong baluta

T-iba’y mo’y ikasa mo
Kabataang may puso
At paninindigang totoo
Boto mo, ipatrol mo.

O-ras nang makibaka
Sa adhikain at panata
Sa eleksiyong ang tema
ay kalinisan ng baluta.

M-akibahagi ng todo
Sa boses ng boto mo
At kahit na ikamatay mo
Huwag isuko ang totoo.

Oo, tayo’y magkaisa
Isang puso’t isang diwa
Boses nati’y ibandila
Sa kalayaan ng bansa.

I-hayag mo nang buo
Ang bawat saloobin mo
Ang bawat nakikita mo
Kahit ito’y ikamatay mo.

P-ag-asa ka ng bansa
Kayat dagling tatalima
Ipaglaban ang masa
Laban sa masasama.

A-t ihayag ang totoo
Nang walang pagkakalito
Pagkat ito ang boses mo
Na dapat ipagbunyi mo.

T-anging ang masa
Lamang ang may kaya
Maghatid ng himala
Upang bayan ay lalaya.

R-oruk ng bawat yugto
Ng pakikibaka ng Pilipino
Ay yayaman at lalago
Kung may pagkakisa tayo.

O-o, lahat ay kasama
Sa adhikain makamasa
Na may dangal at panata
Sa malinis na pamamahala.

L-aban ko, laban mo
Laban ng bawat pilipino
Upang ang bayang ito
Muling babangon at lalago.

MELVIN BANGGOLLAY

http://www.poemhunter.com/poem/boto-mo-ipatrol-mo/

Buy Now on CodeCanyon