SINING SA HALIP / KAPALIT NG DASAL

Minamatyagan kahit hungkag maaliwalas na dalumat.

Natunghayan habang nag-aabang naghihintay.

Subalit ngayon sino ang tutuklas sino ang nasawi’t sino ang pumaslang?

Ama, ina, anak: dalaga, ina, balo—tatlong panauhang kapwa sumusukat sa puwang na nasa pagitan ng kidlat at humaliling katahimikan.

Adyahan ang supling habang may dambuhalang along umaalsa’t umaakyat.

Asin sa bulaklak hitik ng tinik ngunit anong bango’t nakalalango.

Pinagtaksilan. Bungtong-hininga mula sa naputol na tadyang sa puntod ng lupa.

Agam-agam. Inaasam-asam sa bawat tuka ng tadhana.

Minasaker sinalvage ang pusakal pagdating sa dulo.

Pinutol sa lalamunan ang talulot sa gilid ng isla at kabibeng inulila.

Kay bangis ng tanghaling bilang naglambong sa dalampasigan.

Bigkasin ang hilahil bigkasin ang linggatong lapastangan.

Bumugso ang busilak na buntala sa iyong balintataw.

Baliw man ang bungtong-hininga sa pagpanaw ng liwanag.

Sa makulimlim na panganorin may bulong sa pagaspas ng talahib.

May alagang kulasisi lumipad sa alapaap ng kalooban.

Nagbabakasakli sa alulod na kaluluwang inabot ng alat.

Maalikabok man ang lagusan pinapatakan din ng alimuom.

Sonny San Juan, Jr.

http://www.poemhunter.com/poem/tagalog-elegy-sining-sa-halip-na-dasal/