I.
Talento ay nagmumula
Sa Dakilang Lumikha
Purihin natin SIYA!
Nagmamahal, nagpapala...

II.
Ano nga bang meron ako?
Na hindi galing sa IYO? ?
Kung mga kataga, salita, nabubugkos, napipino
IKAW lamang nagbiyaya, kung hindi nga ba'y SINO? ? ?

III.
Sa Pagtula hindi lang ang tunog
Standard ay di lang Sukat na pansusog
Humuhukay mang kay-lalim, bigkas man ay mayroong tugtog
Pinakamahalaga pa rin, pagtumama, puso nila'y KAKABUG-KABOG..!

Enrico Morilla

http://www.poemhunter.com/poem/pagtulanto/