Surprise Me!

Inner Whispers - ! ! ! nasa ng busilak na rosas

2014-11-10 3 Dailymotion

ang sagradong hubad na yapak
namataan
sa kanyang paanan
rosas na ‘sing busilak
kanya’ng tangan.

nasa ng hangaring
kamtin ang hiling
ginawa lahat ng makakaya
pangalan Niya’y itinaya.

biloy ng pag-asa
natanaw, abot-kamay na
umasa, naniwala
sa mapang-akit na ganda
higit pa sa kinang
ng krus na luminang!

di nagtagal…

naluoy pagdaka…
talutot ay nalagas,
busilak na kulay ay nag-iba
naparam ang pang-akit
at sa kulay ng iba muling naakit!

…nasaan na ang krus! ! !

ah…sadyang walang wagas
ang nasa ng busilak na rosas!

Inner Whispers

http://www.poemhunter.com/poem/nasa-ng-busilak-na-rosas/

Buy Now on CodeCanyon