Surprise Me!

Gagamba, gumapang at sumiksik sa ilalim ng kutis ng isang lalake, sa Indonesia!

2015-04-14 2 Dailymotion

Gagamba, gumapang sa ilalim ng kutis ng isang Australian na turista sa Bali, at nanatili doon nang tatlong araw!

Marami sa atin ang takot sa mga gagamba, pero para sa isang Australiano, wala siyang nagawa nang nagdesisyon ang isang gagamba na gumapang sa ilalim ng kanyang kutis!

Ang 21-year-old na si Dylan Thomas, mula sa Bunbury, ay nag-e-enjoy sa isang bakasyon sa Bali, Indonesia.

Pero matapos siyang matulog sa isang four-and-a-half star na hotel, nagising siya at nakita ang isang kulay pulang trail na may two-inches ang haba, mula sa kanyang pusod, hanggang sa kanyang tiyan.

Lalo pang humaba ang trail, kaya kinabukasan ay pinuntahan ni Thomas ang isang doktor, na sinabing kagat ito ng insekto, at binigyan niya ng gamot ang lalake.

Pero hindi umubra ang gamot, at nagkaroon pa ng paltos ang trail, na napakasakit – at napilitang magpunta sa isang dermatologist, na nalaman na may gagamba palang nakatira sa katawan ni Thomas!

Nadiskubre ng doktor na isang maliit na gagamba ang nakapasok sa ilalim ng kutis ni Thomas, mula sa scar tissue na dala ng isang appendectomy na isinagawa kay Thomas kamakailan.

Gusto pa sanang kunin ni Thomas ang patay na gagamba, pero pinadala ito ng doktor sa klinik para makapgasagawa ng tests.

Ayon kay Thomas, kahit na na-violate siya ng maliit na gagamba, ay hindi naman siya aayaw na magpuntang muli sa Bali.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon