Fraternity, nagsagawa ng isang biro – na nauwi sa pagkamatay ng dalawang Chilean flamingos sa The Hattiesburg Zoo noong Miyerkules – at sa pagkulong sa isang Mississippi college student.

Ang rush week ng Pi Kappa Alpha ay nagsimula sa isang inosenteng scavenger hunt, kung saan kailangang makunan ng litrato ang isang flamingo.

Si Devin Nottis at tatlo pang pledges ang nakaisip na magsagawa ng isang prank.

Sila ay nahuli ng Hattiesburg Zoo surveillance, na pagala-gala sa park, ala una ng madaling araw, noong Martes.

Nakarating sila sa flamingo grounds, kung saan kinuha nila ang isang babaeng ibon – pero hindi natuwa ang asawa nito, na nagsimulang ipagtanggol ang babae!

Nilabanan ng mga teenagers ang mga ibon, habang karga-karga ang nasindak na babaeng flamingo. Inakyat nila ang isang bakod na may sampung talampakan ang taas, habang natatakpan ng isang T-shirt ang kawawang ibon.

Kinabukasan, kinatok ng mga pulis ang Pi Kappa Alpha house, at inaresto si Nottis para sa grand larceny, dalawang bilang ng animal cruelty, at trespassing.

Ang Chilean flamingo ay binalik sa zoo, pero kinailangan itong ma-euthanize dahil sa mga nakuha nitong injuries sa katawan. Ang asawa ng babaeng flamingo ay masyado ring nasaktan, at siya rin ay namatay.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH