Surprise Me!

Justice for Molly the Corgi: David Latham, binaril at pinatay ang isang inosenteng aso!

2015-04-14 2 Dailymotion

Mga dog owners, pino-protesta ang walang hustisyang pagkamatay ng isang aso!

Ito si David William Latham, isang kilalang local banker mula sa Bellingham, Washington State.

Si Latham ay humaharap sa posibleng pagkabilanggo, matapos niyang mabaril at mapatay ang aso ng isang kapitbahay noong isang linggo.

Nagsimula ang lahat, 7:20 ng gabi noong September 13, nang si Williams, na lasing sa panahong iyon, ay nairita sa pagtahol ng aso ng kapitbahay.

Kaya kumuha siya ng isang rifle at lumabas ng bahay, at naglakad papunta sa bahay ni Cary Chunyk at Loyce Williams…kung saan binaril niya ang aso ng mag-asawa na si Molly, sabay naglakad paalis nang parang walang nangyari.

Hinabol ni Chunyk si Latham, pero napaawat siya nang tinaas ni Latham ang kanyang mga kamay, hawak pa rin ang baril.

Kalaunan, ay nadiskubre din ni Latham na hindi pala si Molly ang asong ikinaiirita niya.

Ang kawawang si Molly ay namatay, makalipas ang kalahating oras, sa kamay ng umiiyak na si Williams.

Naaresto si Latham, at nakadiskubre ang pulis sa isang police seach na mayroon siyang siyam na baril sa kanyang bahay. Si Latham ay nakasuhan ng first-degree animal cruelty, class C felony, at misdemeanor charges of brandishing a weapon and second-degree criminal trespassing. Siya ay maaring makulong ng limang taon.

Sa korte noong isang linggo, nag-plead ng not guilty si Latham, at sinabing ang baril na kanyang ginamit ay isang pellet gun.

Samantala, ang mga dog owners na nakatira sa iba’t ibang estado ay nag-setup ng Facebook page na kanilang tinawag na “Justice for Molly the Corgi,” na nagkaroon nan g mahigit sampung libong mga ‘likes.’ Humihingi sila ng maximum sentence para kay Latham.

May isang pamilya sa New Hampshire na nag-aalok na maghatid ng isang replacement dog para sa mag-asawa, dahil ang sarili nilamg corgi ay nanganak sa mga baby na aso.

Ano sa tingin niyo? Paanong dapat na maparusahan si Latham, para makabawi sa mag-asawang nawalan ng alagang aso?

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon