Utah school teacher, nabaril ang sarili sa paa!

Isang araw, isa na namang school shooting sa Amerika. Pero ang shooting na ito ay naiiba sa mga bullied teenagers na nagdesisyong gantihan ang kanilang mga kaklase.

Ang sangkot sa shooting na ito ay ang Westbrook Elementary school teacher at gun carrier na si Michelle Ferguson-Montgomery, na naghahanda para sa isang araw ng klase kasama ang kanyang mga sixth graders sa Taylorsville, Utah.

Nagpunta siya sa banyo. Hindi malinaw ang mga detalye, pero ang alam lang namin ay aksidenteng na-discharge ang concealed-carry weapon, o nakatagong baril, ng teacher.

Tumama ang bala sa inodoro, at nagtalsikan ang mga pira-pirasong ceramic at bala sa kaliwang binti ng teacher.

Sumugod ang ibang mga faculty members para tulungan ang teacher, matapos nilang marinig ang gunshot, at siya ngayon ay nagpapagaling sa ospital.

Ang Ferguson-Montgomery ay may valid permit para sa concealed-carry, o nakatagong armas, at pinahihintulutan ng batas sa Utah ang pagdala ng mga armas sa campus.

Sa susunod ay isabit na lang ni Miss Ferguson-Montgomery ang kanyang baril sa hook, bago siya umihi!

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH