Paul George, nagpapagaling matapos ang katakot-takot na pagbali ng kanyang binti!

Ang Indiana Pacers All-Star na si Paul George ay nagkaroon ng mala-Kevin Ware na fracture sa kanyang kanang binti, sa US national team intrasquad scrimmage noong Biyernes sa Vegas.

Naalala pa namin ang nakakakilabot na injuries na pinagdaanan ni Kevin Ware at Anderson Silva.

Si George ay inaasahang magiging starter, at buong linggo siyang nakipaglaro ng one-on-one kasama si Kevin Durant at James Harden, matapos silang mag-practice.

Noong Biyernes, sa fourth quarter ng isa sa kanilang mga laro, habang may siyam at kalahating minuto pang natitira – hinabol ni George si Harden sa lane para i-contest ang isang layup. Doon tumama ang kanan na binti ni George sa backboard, at natupi!

Nagsitakbuhan ang mga trainers sa court, at matapos ang sampung minutong stoppage, nailabas si George mula sa arena, sa isang stretcher.

Si George ay nagkaroon ng open tibia-fibula fracture. Dumaan siya sa isang matagumpay na operasyon, at inaasahang madi-discharge mula sa ospital sa loob ng ilang araw.

Nagtungo si George sa Twitter para pasalamatan ang kanyang mga fans, sa kanilang pagmamahal at pagsuporta. Get well soon, Paul George!

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH