Surprise Me!

Bastos na lalake, nakagat at naputulan ng daliri sa Jay-Z/Beyonce concert!

2015-04-14 8 Dailymotion

Bastos na concert-goer, nawalan ng daliri, matapos niyang hipuan ang puwit ng isang babae!

Naiintindihan namin kung may mga taong nag-iinit matapos mapanood si Beyonce na nagpe-perform nang ganito ang istura sa concert – lalo na kapag nakainom na ng alak!

Pero isang lalake sa Southern California ang nawalan ng daliri, matapos niyang hipuan ang puwit ng isang babae, sa Jay-Z/Beyonce concert sa Pasadena noong isang gabi! Ito kasing si Roberto Garnica ay nakakita ng isang bagay, at nawalan siya ng kontrol. Baka sakto pang kinakanta ni B nam “Ya man ain’t never seen a booty like this before,” at itong si Roberto ay nabaliw na.

Gaya ng mga batang hindi dinidisiplinahan sa bahay, at dinala sa tindahan na puro candy – naging matakaw ang kamay ni Roberto.

Malas niya, at nandoon ang boyfriend ng babae – na kinagat at pinutol ang dulo ng daliri ni Roberto, sa gitna ng kaguluhan!

Moral of the story: tumingin gamit ang inyong mga mata, at hindi ang inyong mga kamay.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon