Lalake, niligtas ang kanyang aso mula sa isang buwaya!

Isang golden retriever ang nagpapagaling, matapos siyang maatake ng isang buwaya sa Melbourne Beach sa Florida, dalawang linggo nang nakalipas. Ayon sa may-ari ng aso na si Lee McDougal, ang buwaya, na may walong talampakan ang haba, ay hinatak ang aso habang sila ay naglalakad.

Nasa labas si McDougal at Wilowe, nang lumangoy sa swamp imbes na sa lagoon ang aso – at doon hinatak ng buwaya ang aso.

Tumakbo si McDougal para iligtas ang aso – hinawakan niya ang buwaya, at hinatak ito hanggang sa mabitawan niya ang aso.

Nang nakawala na si Wilowe, ay pinakawalan ni McDougal ang buwaya, pero na-stuck naman siya sa putik.

Tinulak niya paahon si Wilowe, at naligtas niya ang kanyang sarili, bago sila mabalikan ng buwaya.

Naglakad si McDougal at Wilowe pauwi, at tumuloy sila sa beterinaryo.

Si Wilowe ay nangailangan ng mahigit dalawampu’t limang tahi, at siya ay nagkaroon ng malalim na sugat, pero siya ngayon ay nagpapagaling na.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH