Giant rubber duck, nahatak ng malakas na bagyo sa China!

Nawawala sa China: isang 54-foot-tall na giant rubber duck.

Ito ang higanteng pato na pinagkaguluhan ng maraming tao sa iba't ibang sulok ng mundo.

Ang signature art display ng Dutch artist na si Florentijn Hoffman ay naging isang tourist attraction, mula Sydney hanggang Hong Kong, at pati na rin sa Osaka.

Pero ang world tour ng higanteng pato ay hindi smooth sailing, Sa Taiwan ay nadumihan ito, nawalan ng hangin, at pumutok pa. Ngayon naman, sa China, ang 54-foot tall na dilaw na pato ay biglang nawala! As in, hindi na siya makita.

Ayon sa mga report, ang artwork ay naka-display sa Nanmin River, Guizhou City sa China mula pa noong July 4th.

Noong Martes, ang siudad ay tinamaan ng isang malaking bagyo. Kinabukasan, na-dislodge ang 10-ton na bakal na platform sa ilalim ng duck...napataob ang pato, ang mabilis na nahatak paalis bandang alas siete ng gabi.

Nalungkot ang mga netizens, na nagsi-post ng kanilang pag-aalala para sa higanteng pato.Ang Chinese nga naman ay kilala sa pagkain ng kahit na ano.

Hinihiling ng mga awtoridad na kontakin sila ng kahit na sinong makakita sa higanteng pato.

Pero huwag kayong masyadong mag-alala: kapag hindi na talaga mahanap si ducky, mag-o-order ng backup ang mga organizers sa China, mula sa isang authorized na Taiwanese manufacturer. Kaya okay lang!

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH