LAPD, tinaser at napatay ang isang homeless na lalake sa Skid Row!

Mentally ill na homeless na lalake, namatay matapos ma-taser ng pulis!

Nakipagkita ang mga residente ng homeless encampment ng LA Skid Row, sa LAPD itong nakaraang linggo, para i-protesta ang pagkasangkot ng mga pulis sa pagkamatay ni Carlos Ocana, na isang 54-year-old na homeless na lalake.

Gabi ng May 24, naitawag ang pulis sa 5th at San Pedro street, dahil umakyat si Ocana sa itaas ng isang billboard, at ayaw bumaba.

Ayon sa isang report sa LA Times, nang tinawag ng LAPD ang SWAT team, natakot ng malalaking baril si Ocana at ang kanyang mga kaibigan.

Ayon sa mga witness, tinanggal ni Ocana ang kanyang damit bilang pag-surrender. Pero ayon sa mga local media, hindi daw pinayagan ng mga pulis na pakalmahin ng mga taong nakakakilala kay Ocana si Ocana.

At doon na tinaser ng mga officers si Ocana. Nang tinangka nilang hulihin ito, hindi sila nakakapit nang maayos, at nahulog sa sahig si Ocana, na na-miss ang airbag na nakahandang sumalo sa kanya. Namatay si Ocana sa isang ospital.

Inimbestigahan ng police commission inspector general ang kaso para malaman kung maari bang nagawang iwasan ng pulis ang ganitong pangyayari.

Ayon sa LAPD Safer City Initiative task force sa Skid Row, nagsasagawa na raw ng intensive training ang kanilang mga officers, para alam nila kung paano i-handle ang mga mentally ill.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH