Surprise Me!

Babae sa HK, nalunod matapos makaaway ang kanyang lifeguard boyfriend!

2015-04-14 5 Dailymotion

Babae sa Hong Kong, nalunod habang nagsi-swimming, matapos makaaway ang kanyang boyfriend -- na isang lifeguard!

Isang 22-year-old na babae sa Hong Kong ang natagouang lumulutang sa dagat, dalawang araw matapos ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Ang babae na si Nicole ay may ambisyon na maging nail beautician. Kasama niyang naninirahan sa Big Wave Bay Village ang kanyang pamilya, at mahilig siyang mag-swimming.

Apat na taon nang magkakilala si Nicole at ang kanyang boyfriend, na isang lifeguard. Kailan lang ay nagdesisyon silang mag-live-in sa isang bahay sa Shek-O.

Noong Linggo, inimbita diumano ni Nicole ang iilang mga kaibigan sa Shek-O. Naki-join din ang kanyang boyfriend matapos magtrabaho, pero nag-away sila, at umalis si Nicole.

Nang hindi umuwi kinagabihan si Nicole, ay ipinaalam ng boyfriend ang mga nangyari sa pamilya ng babae, at humingi ng tulong sa paghanap sa kanya. Kinabukasan ay hindi pa rin umuwi si Nicole. Hindi ini-report ng pamilya ang pagkawala ni Nicole sa pulis, dahil inisip nilang nagtatampo lang ito sa kanyang boyfriend.

May mga hikers na nakapansin sa isang katawan na lumulutang sa dagat, alas onse ng umaga kinabukasan, at naitawag sa eksena ang lifeguard boyfriend ni Nicole.

Nagsagawa ang rescue team ng CPR kay Nicole, bago siya dinala sa ospital. Pero hindi na siya humihinga, at nanigas na ang kanyang katawan. Lumabas din ang dugo mula sa kanyang bibig, at siya ay kinumpirmang patay sa ospital. Ayon sa pulis, maaring lumangoy si Nicole para mailabas ang kanyang galit at sama ng loob...pero magsasagawa pa rin ng autopsy ang mga awtoridad para malaman ang official cause of death.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon