Dalawang lalake, pinatay ang kanilang kaibigan sa pamamagitan ng pagsagasa dito, gamit ang isang motorboat!

Sina Paul Gerlach at Louis Borzoni ay hindi mo gustong makasamang sumakay ng Bangka.

Ang lalaking huli nilang nakasama, si Rico Dardis, ay naputol ang mga paa at namatay, nang sumama siya sa dalawa noong May 27.

Nag-away ang tatlo dahil sa sigarilyo at alak, habang naglalakad sila sa beach sa Christchurch Bay. Pagdating nila sa tubig ay naging pisikal ang away.

Sinabi daw ni Gerlach sa kanyang ex-wife na binugbog sila ni Dardis, at tinulak nila ito pababa ng motorboat.

Umikot-ikot sila, habang sinisigawan ang biktima, bago nila dinaanan ang katawan ni Dardis, na naputol ang mga paa.

Ayon kay Gerlach, humataw siya at hindi siya nagsisisi sa kanyang nagawa. Hindi na makaandar ang motor pagkatapos noon, at pumasok sila sa tubig.

Kumuha ng litrato ang isang witness, kung saan ang mga killers, na natakpan ng dugo, ay sinubukang tanggalin ang isang paa ni Dardin, na sumabit sa propeller.

May dumaan ding mga tao na napansin ang katawan ni Dardis na nakalutang sa tubib. Sabi sa kanila ni Borzoni, "baka pekeng katawan lang iyan."

Iniwan nila ang motorboat para kumuha ng mga inumin, at pagbalik nila, sila ay naaresto. Pareho silang nag-plead ng not guilty; aksidente lang daw ang nangyari.

Sila ay nasentensiya ng habangbuhay na pagkabilanggo, matapos mai-record nang sikreto ng prosecutors ang kanilang mga confessions.

Ang 30-year-old na si Rico Dardis ay isang aspiring freestyle rapper, na may isang anak.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH