Surprise Me!

VIDEO: Babaeng sumagasa sa dalawang lalake, hinahanap ng Texas pulis!

2015-04-14 18 Dailymotion

Babae, hinahanap ng pulis matapos niyang sagasaan ang dalawang lalake!

Dalawang lalake sa Houston ang muntikan nang mamatay, matapos silang masagasaan ng isang babae sa isang gas station.

Pagkatapos ng trabaho, nagpunta si Marcus Chukuwuu at ang kanyang boss sa Fuel Depot gas station sa Houston, para magpa-gas. Nag-park malapit sa kanila ang isang babaeng nagmamaneho ng isang silver Buick.

Biniro siya ng isa sa mga lalake, na 'huwag mo kaming patayin!' Ang kakaibang sagot dito ng babae: 'kung gusto kitang patayin, babarilin kita.'

Nagpunta sa tindahan si Marcus para bayaran ang gas. Paglabas niya, hindi nila alam na may mangyayaring masama.

Biglaang sumugod sa kanila ang Buick, na binangga ang mga lalake, na napalipad sa ere.

Ang buong pangyayari ay nakunan ng surveillance video ng gas station.

Hinahanap pa ng pulis ang babaeng nagmaneho ng silver Buick. Ang dalawang biktima ng hit-and-run ay nadala sa ospital para sa mga minor injuries.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon