World Cup roundup: USA, out; Messi, tinulungan ang Argentina na umabante!

Ang quarterfinals ng World Cup ay naka-set na ngayon, at as usual, mapapanood natin ang labanan sa pagitan ng South America at Europe.

Nagtapos ang matapang na World Cup adventure ng Team USA, nang natalo sila ng Belgium, kahit na nagsagawa ng record-breaking performance ang US Keeper na si Tim Howard.

Dahil sa extra time goals nina Kevin de Bruyn at Romelu Lukaku, ay nanalo ang Belgium, 2-1.

Samantala, sa Sao Paolo, nagpatuloy si Lionel Messi sa kanyang magandang performance para sa Argentina. Napakaganda ng kanyang pag-setup para kay Angel di Maria, na naka-score ng dramatic na late goal, sa kanilang laro laban sa Switzerland, dalawnag minuto lamang bago magkaroon ng penalty shootout. Lahat ng 8 group winners ay matutuloy sa Final 8.

Ang unang maglalaban sa quarters ay ang France at Germany, na masusundan ng Colombia vs. Brazil.

Sa Sabado, kailangang magising itong si Eden Hazard kung gustong malampasan ng Belgium si Messi, at ang Team Argentina.

Si Bryan Ruiz at Costa Rica naman ay kailangangang harangin ang Netherlands steamroller.

Samantala, sa off the field news naman, iniimbestigahan dawn g FIFA ang mga alegasyon ng match-fixing, matapos i-report ng isang German magazine na isang convicted match-fixer ang nakahula na mawawalan ng isang player ang Cameroon, sa kanilang Group A game laban sa Croatia, kung saan sila ay natalo, 4-0.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH