Surprise Me!

Babae, makukulong nang habambuhay dahil sa kanyang pagmamahal sa hayop!

2015-04-14 12 Dailymotion

Babae, makukulong nang habambuhay dahil sa kanyang pagmamahal sa hayop!

Driver, huminto para sa mga pato -- humaharap ngayon sa habangbuhay na pagkabilanggo!

Ang 25-year-old na si Emma Czornobaj ay humaharap sa mga seryosong kaso, na resulta ng kanyang pagmamahal sa mga hayop.

Habang nagmamaneho sa Highway 30 sa Candiac, Quebec, noong 2010, nakita niya ang isang grupong pato na tumatawid sa kalsada.

Sinabi ng animal lover sa korte na plano niyang kunin ang mga naulilang hayop, at iuwi ang mga ito.

Si Pauline at Andre Roy Volikakis ay nage-enjoy, sakay ang kanilang mga Harleys sa araw ring iyon.

Nakasakay rin ang anak nilang si Jesse, sa motorsiklo ng kanyang ama, nang nasaksihan ni Paulina ang nakakatakot na mga pangyayari.

Ayon sa isa pang witness na si Martine Tessier, nakita niyang tumalsik ang isang katawan sa harap ng kotse, na parang isang manyika. Ang 16-year-old na babae ay na-trap sa ilalim ng Honda Civic at namatay sa ospital.

Ang asawa naman ni Pauline ay namatay, habang yakap-yakap niya ito. Ang animal lover na si Emma ay nahatulan ng guilty sa apat na kaso: dalawang bilang ng criminal negligence causing death, at dalawang bilang ng dangerous driving causing death. Isa dito ang nagdadala ng maximum life sentence.

Ayon sa nabiyuda na si Pauline Volikakis, dapat na malaman ng mga driver na hinding-hindi sila dapat na huminto sa mga highway. Umaasa siyang ang balitang ito ang mag-e-encourage sa mga driver na maging maingat.

Si Emma Czornobaj ay nai-release hanggang sa kanyang pre-sentence hearing, na na-schedule para sa August 8th.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon