Guatemalan na lalake, na-detain dahil sa cocaine cookies!

Isang Guatemalan na lalake ang na-detain itong buwan sa isang airport sa New York, matapos matagpuan ng mga awtoridad ang three pounds ng cocaine, na nakatago sa mga cookies, sa loob ng kanyang bagahe.

Si Mauricio Isidro Rivera Hernandez ay dumating sa Newark Liberty International Airport mula sa Guatemala noong June 5.

Doon siya dinala ng US Customs and Border Protection officers sa isang private room.

Natagpuan ng mga officers ang cookies sa tatlo niyang check-in bags...sa loob ng mga cookies ay isang daan at labing-walong pellets ng cocaine!

Ang mga pellets ay naglalaman ng three pounds ng cocaine, at may estimated street value na 52,000 dollars.

Ilang linggo lamang ang nakalipas nang isang lalake mula sa Connecticut ang nagtangkang mag-smuggle ng five pounds ng cocaine mula Guyana hanggang sa JKF airport, na nakalagay sa loob ng handle rails ng kanyang bagahe.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH