Off-duty Brazilian police officer, nabaril at napatay sa isang robbery!

Ang mabilis na pagpunta sa isang tindahan ng isang off-duty police officer at ng dalawa niyang anak ang nauwi sa trahedya, nang hindi nila namalayang may isinasagawa palang armed robbery sa loob ng tindahan.

Ang dalawang lalake sa security video ang prime suspects. Nangyari ang insidente, gabi ng June 13, sa Goiania sa Brazil.

Nang na-realize ng pamilya na may krimen na isinasagawa sa tindahan, ay nag-react ang police officer na ama, nang hindi naisip ang kaligtasan ng kanyang mga anak.

Nag-open fire siya sa mga magnanakaw, pero gumanti ang mga ito...at siya ay nabaril.

Isang lalaking nakasuot ng hoodie ang binaril pa ang ulo ng police officer nang ilang beses, para masiguradong patay ito. Pagkatapos, ay ninakaw niya ang semi-automatic mula sa kamay ng biktima, at tumakbo paalis. Hindi nasaktan ang dalawang batang lalake, pero nawalan sila ng ama.

Sa pag-iisip ng police officer, malamang ay ginagawa niya lang ang kanyang trabaho, pero sa tingin niyo ba ay naging reckless ang kanyang pagkilos, mas lalo na't maari niyang malagay sa panganib ang kanyang mga anak? Mag-iwan ng opinyon sa comments.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH