Doktor, nasuspinde para sa pag-sext, sa gitna ng surgery!

Isang Seattle anesthesiologist na palaging nag-se-sext habang siya ay nagsu-supervise ng mga C-sections at iba pang mga operasyon ang natanggalan ng lisensiya.

Si Dr. Arthur K. Zilberstein ay nasuspinde, dahil sa mahabang listahan ng mga alegasyon laban sa kanya. Kabilang na rito ang kanyang 'preoccupation with sexual matters.'

Sa loob ng isang araw noong 2013, nagpadala diumano si Zilberstein ng animnapu't apat na text messages, karamihan dito ay seksuwal, habang nagsasagawa siya ng pitong operasyon.

Karamihan ng mga text ay magkakasunod niyang pinadala, at isa dito ang nagsabing, "I'm hella busy with C sections."

Si Zilberstein pala ay nag-access din ng mga medical images para sa kanyang seksuwal na pagnanasa; siya rin ay nakipag-sex sa isang pasyente at nakipag-sex habang siya ay nasa trabaho. Siya rin ay naakusahan ng pag-issue ng unauthorized prescriptions para sa mga controlled substances at iba pang mga drugs.

Si Zilberstein ay nagpakita rin ng kanyang pagka-immoral nang nagpadala siya ng selfie ng kanyang sarili, nakasuot ng hospital scrubs, at nakalabas ang kanyang kalalakihan.

Hangga't hindi nare-resove ang mga kaso laban sa kanya, hindi makakapag-practice ng medicine si Zilberstein sa Washington. Pero siya naman ngayon ay puwedeng-puwedeng mag-sext, araw-gabi.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH