Babaeng teenager sa Ohio, sinaksak ang ina dahil sa kanyang Slender Man obsession!

Wala pang dalawang linggo, at may isa na namang attempted murder, sa ngalan ng Internet character na si Slender Man.

Noong isang linggo, ini-report namin ang tungkol sa dalawang dose anyos na batang babae, na sinaksak ang kanilang kaibigan sa Wisconsin.

Matapos nito, isang babae naman sa Hamilton, Ohio, ang nakaisip ng koneksiyon sa pagitan ni Slender Man at ng kanyang attacker -- ang kanyang 13-year-old na anak na babae.

Alam ng biktima na may mental health problems ang kanyang anak na babae, pero hinding-hindi niya naisip na maari siyang saktan ng bata.

Umuwi siya isang gabi mula sa trabaho, at naghihintay sa kanya ang bata sa kusina. Nakasupot ito ng puting maskara, nakaangat ang kanyang hood, at nakatakip ang kanyang mga kamay.

Ayon sa biktima, ang pagsusulat ng kanyang anak ay umikot sa fictional character na si Slender Man. Inatake ng 13-year-old ang mukha, leeg at likod ng kanyang ina, na hindi nakilala ang batang umatake sa kanya.

Ayon sa mga awtoridad, ang teenager, na kasalukuyang nasa isang juvenile detention center, ay hindi raw naaalala ang mga pangyayari, noong gabing sinaksak niya ang kanyang ina.

Para sa mga hindi nakakaalam kung ano o sino si Slender Man, puntahan po ang link na nasa description.

https://www.youtube.com/watch?v=6pBcmTxZb_0

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH