Homeless na babaeng nahuli sa video na tinangkang laslasin ang lalamunan ng isang police officer -- na-absuwelto!

Makikita sa security footage na ito ang pagtangkang paglaslas ng isang babae sa lalamunan ng isang officer, habang inaaresto siya nito noong 2012. Dahil dito ay napaligiran ng debate ang pag-absuwelto sa babae noong isang buwan.

Si Jennifer Berube ay na-absuwelto noong June 30th sa attempted murder, matapos ipaglaban ng kanyang mga abugado na tinatakot lang niya ang police officer, at wala siyang balak na patayin ito.

Si Berube, na homeless noong panahong iyon, ay naaresto noong December 2012. Kasama ng kanyang dating asawa, nagtangka siyang gumamit ng ninakaw na credit card, at naipasok pa niya ang isang Leatherman tool sa police station.

Sinabi niya sa korte na narinig niya ang kanyang ex na nagtangkang magpakamatay sa kanyang holding cell...at binalak niyang tulungan ito, sa pamamagitan nang pagsaksak sa isang police officer, gamit ang isang blade.

Nahiwa ang officer, at muntikan nang malaslas ang kanyang jugular vein. Ayon sa mga abugado ni Berube, ito ay nagpapatunay na hindi talaga intensiyon ni Berube -- na isang dating registered nurse -- na pumatay. Kung talagang gusto niyang pumatay ay pwede na niyang saksakin na lang ang officer.

Nakumbinsi nila ang jury, at wala pang dalawang oras ang nakalipas bago na-absuwelto si Berube. Pero hindi natuwa sa kanilang desisyon ang mga city officials.

Para sa inyo -- ito ba ay tamang desisyon, o hindi?

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH