Surprise Me!

VIDEO UPDATE: Security guard, dati pa palang binubugbog ang estudyanteng naka-wheelchair!

2015-04-14 17 Dailymotion

VIDEO: Security guard na nanakit ng estudyanteng naka-wheelchair, dati pa palang binubugbog ang bata!

California school guard, binugbog ang isang batang naka-wheelchair, part two!

Noong isang linggo, ini-report namin ang kuwento ng isang school security guard na hinampas ang Oakland High School student na si Francisco Martinez mula sa kanyang wheelchair, matapos siyang duraan ng teenager sa mukha.

Ang security officer na si Marchell Mitchell ay nawalan ng trabaho, noong araw na lumabas ang video.

Ngayon ay naglabas ng bagong video ang Oakland School District, na nagpapatunay na hindi na ito ang kaisa-isang beses na naging agresibo si Mitchell kay Martinez, na may cerebral palsy. Ano ba kasi ang problema ng lalaking ito?

Balikan natin sa umpisa, para sa buong kuwento.

Maayos naman ang lahat. Tinutulungan ni Mitchell si Martinez papunta sa elevator.

Habang hinihintay nila ang elevator, ay nagkaroon ng struggle sa pagitan ng dalawa.

Makalipas ang ilang segundo, tumayo si Martinez bilang paglaban sa mga security guards -- na hinatak ang teenager mula sa kanyang wheelchair, hinampas ang kanyang ulo sa pintuan, at kinaladkad siya sa elevator, kung saan patuloy nilang inasulto ang bata.

Dalawang security guards ang pinagsusuntok at pinagsisipa ang kawawang si Martinez.

Dalawang estudyante ang nanigurado na hindi nakasara ang pinto ng elevator, habang pinapanood nila ang abuso.

Ang bayolenteng attack ay tumagal nang mahigit isang minuto, na pilit na nilabanan ni Martinez.

Nagtangka siyang tumakas mula sa elevator, pero hindi niya malabanan ang dalawang malalaking security guards.

Nang nagtapos ang struggle sa wakas, ay hinila ng mga security guards ang wheelchair, para makaupong muli si Martinez. Para magmukhang walang nangyari, kamo!

Si Mitchell ngayon ay nawalan na ng trabaho, at humaharap sa mga kasong child abuse.

Sigurado kaming makukuha niya ang nararapat sa kanya, mula sa mga lalaking ito.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon