Michigan history teacher, nasuspindi dahil ginamit niya ang 'blackface' sa kanyang klase!

Isa lang ang hinihiling natin mula sa ating mga history teachers: ang magturo ng history sa ating kabataan.

Mukhang hindi ito nagawa ng 59-year-old na si Alan Barron, dahil siya ay nailagay sa paid administrative leave! Nag-sit-in ang assistant principal ng Monroe Middle School sa isa sa mga lectures ni Mr. Barron, tungkol sa Jim Crow racial segregation laws.

Habang nagle-lecture, ipinakita ni Mr. Barron ang isang video tungkol sa paggamit ng mga white performers ng blackface, sa mga panahong iyon. At hindi ito nakayanan ng assistant principal -- kahit na ang video ay naglalaman ng factual at historical na impormasyon.

Ang mas malala pa dito, ay iilang linggo na lang at makakapag-retire na sana si Mr. Barron.

Hindi natuwa ang mga estudyante at magulang sa Monroe, na ipinahiwatig ang kanilang nararamdaman sa Facebook. Nagpa-print pa ang isang estudyante ng mga T-shirts na sinusuportahan ang teacher, na tatlumpu't anim na taon nang nagtuturo.

Ayon sa isang magulang, walang kinalaman sa racism ang ipinakita ni Mr. Barron. Ang history ay kailanganng ituro nang tama, para malaman ng kabataan kung saan tayo nanggaling.

Buti na lang at naibalik rin si Mr. Barron sa kanyang trabaho, Linggo ng gabi. Pero ayaw mag-comment ng school district sa insidenteng ito.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH