Lalaki, nasalo ang isang baby na nahulog mula sa second floor!

Noong Linggo, sa Guangdong Province, sa China, hindi umulan ng cats and dogs, at hindi rin umulan ng mga lalake...umulan po ng mga baby!

Ayon sa mga report, ang isang taong gulang na baby ay hinahanap ang kanyang ina, sa gitna ng mabigat at malakas na ulan.

Gumapang ang baby, na nasa second floor, papunta sa bintana ng apartment.

Isang vendor sa tapat ng kalsada ang nakakita sa baby, at inalerto ang isang residente, na si Mr. Li.

Mabilis na tumakbo patungo sa baby si Mr. Li, na sinabayan ng isa pang residente na si Mr. Hu.

Nasaan ang ina ng baby?! Ang mga lalake ay nakahanda na para sa pinakamasamang posibilidad.

Nahulog ang baby, at lahat ng nanonood ay hindi makahinga...

Ayan si Mommy o! Mukhang mas safe ang baby sa kamay ng isang stranger kaysa sa kamay ng sarili niyang ina.

Tumakbong paalis ang ina, malamang dahil sa pinaghalong kasayahan at kahihiyan.

Salamat sa mga lalaking ito, ay naligtas at hindi nasaktan ang baby.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH