Pulis, tumalon mula sa tulay, para makaiwas sa isang drunk driver!

Ito si Officer Kenneth Leiws. Siya ay tatlong buwan pa lang na nagta-trabaho sa Missouri City Police force.

At ito si Diane Biggers. Siya ay isang alcoholic na nagtuturo tungkol sa kalusugan, sa Scanlan Oaks Elementary School.

Si Officer Lewis ay napilitang tumalon mula sa isang tulay, para maligtas ang kanyang buhay, nang bumangga sa kanyang squad car si Biggers, Biyernes ng gabi sa Texas.

Si Officer Lewis ay nagsagawa ng routine traffic stop sa State Highway 6, malapit sa Knights Court, hatinggabi noong Biyernes.

Si Biggers naman ay nakipag-inuman, nalasing, at nagmanehong pauwi.

Maaring hindi nakita ni Bigger sang patrol car ni Officer Lewis, kahit na ito ay naka-park sa shoulder, at nakakasilaw ang police lights.

Bumangga siya sa squad car, at nabigla si Officer Lewis, na tumalon mula sa overpass, para maiwasang matamaan ng drunk driver.

Ang hulog mula sa taas na may 30 feet, ang nakabali sa aorta at pelvis ng kawawang officer.

Ayon sa dashcam footage, maaring masyadong napalaki ang reaksiyon ni Officer Lewis, sa kanyang pagtakas mula sa panganib.

Si Biggers ay nakasuhan ng intoxication assault.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH