Babaeng teenager sa Texas, namatay sa gabi ng kanyang senior prom!

Texas prom, naging isang bangungot nang natagpuan ng isang lalake ang kanyang date, na patay sa isang kuwarto sa hotel.

Ang 17-year-old na si Jacqueline Gomez ay hindi nagising, Sabado ng umaga.

Bago ito, ay nag-enjoy siya, kasama ang kanyang mga kaibigan sa MacArthur High School prom.

Kahit na sinabihan siya ng kanyang mga kaibigan na "please don't go," ay umalis mula sa prom si Gomez, kasama ang kanyang date.

Isa pa niyang kaibigan, na si Justice Gonzalez, ay binulungan siya bago siya umalis. "Just be safe, Jackie," ang sabi niya, bago niya niyakap si Gomez.

Nag-check-in si Gomez at ang kanyang date, sa isang kuwarto sa Hyatt Hotel.

Sinabi ng lalake sa pulis, na sila ay nakainom, bago sila natulog nang gabing iyon.

Pinadala ni Gomez ang litratong ito sa kanyang mga kaibigan -- ito ang kanyang huling pag-kontak sa kanila.

Paggising ng kanyang ka-date kinaumagahan, natagpuan niyang walang malay si Gomez, at tumawag siya sa 911.

Nakakita ng alak at prescription painkillers sa loob ng hotel room ang mga pulis, pero wala silang suspetsa ng foul play.

Ayon sa pulis, walang senyales ng trauma, at ang ka-date ni Gomez ay maayos na nakipag-koopera sa imbestigasyon.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH