VIDEO: Drug addict, ninakawan ang gas station, na-KO ng gas station clerk!

Clerk sa tindahan, na-KO ang isang crackhead, na pumalpak sa kanyang armed robbery!

Dalawang drug addict at magnanakaw ang naaresto, habang ninanakawan ang isang Speedway sa Ann Arbor, Michigan, 12:30 ng madaling araw noong May 1st.

Naaresto si Frederick Coble at ang kanyang girlfriend na si Christina Maira Borcea, na sinabi sa pulis na bago nila isinagawa ang krimen, sila ay nag-iinuman, at naghihithit ng crack.

Nagounta daw sila sa gas station, para magnakaw ng sigarilyo.

Ang clerk ng tindahan ay nasa cooler, sa likod ng register, nang pumasok ang mag-boyfriend -- na sinimulang magnakaw ng mga sigarilyo.

Paglapit ng clerk, para pagbawalan sila, nagkunwari ang mag-syota na balak nilang bayaran ang mga sigarilyo.

Habang tina-tally ng clerk ang mga sigarilyo, may pinaglalaruan si Coble sa kanyang bulsa.

Ito pala ay plyers, na hindi tinatanggap bilang pambayad sa Speedway.

Nakita ng clerk ang pag-atake ni Coble, at napatumba niya si Coble sa sahig.

Na-KO si Coble, at nagtawag ng pulis ang 22-year-old na clerk.

Hindi nagising ni Borcea ang kanyang boyfriend, kaya kumuha siya ng pera mula sa cash register, at tumakbo paalis.

Nagising rin si Coble, at umalis mula sa convenience store.

Ilang araw ang nakalipas, at nakilala si Coble ng pulis mula sa security video.

Nagbibisikleta si Coble nang napansin siya ng pulis; nagpaalam pa ito sa pulis na kung pwede ay gusto niyang ibalik ang bisikleta sa kanyang girlfriend bago siya arestuhin ng pulis.

Sige! Sinamahan ng pulis si Coble sa Arbor Landing Apartments, kung saan pinakilala ni Coble ang mga officers kay Borcea -- na nakilala rin ng mga pulis mula sa security video.

Pareho silang umamin sa kanilang krimen, at kasalukuyang nakakulong. Ang kanilang cash bonds ay nasa halagang 250,000 dollars.

Mukhang alam ng clerk na may binabalak na masama ang dalawang ito, ay handang-handa siyang makipag-throwdown!

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH