Teenager sa Florida, nag-joyride; naaresto dahil sa sarili niyang dash cam video!

Joyride ng isang teenager sa Florida, nagtapos sa dalawang banggaan, kung saan sangkot ang apat na kotse, isang helicopter, at isang YouTube video, gawa ng dash cam.

Si Robert Charles Kelly IV, ng new Smyrna Beach, ay naaresto sa kanyang bahay, dahil sa kanyang kagaguhan.

Hindi man krimen ang pagiging gago, ang pag-alis mula sa eksena ng isang car crash, ang reckless driving at driving without a license ay sapat na para siya ay makulong.

Ginawa pa niya ang lahat ng ito, habang kinukunan ng dash cam ng video ang buong pangyayari.

Nagsimulang mag-record si Kelly, malapit sa kanyang bahay sa 13th Avenue. Nagmaneho ito na parang isang baliw, nang limang milya, bago siya nag-crash sa isang sedan, malapit sa Jungle Road, alas tres y medya ng hapon.

Matapos siyang tumakas mula sa eksena, nag-crash naman siya sa isang SUV, malapit sa Colony Park Road. Dahil sa sobrang bilis ng kanyang pagmamaneho, ang tinamaan niyang SUV ay tumama sa dalawa pang sasakyan.

Nawasak ang kotse ni Kelly sa crash, at si Kelly ay na-airlift sa Halifax Health Medical Center.

Ayon sa mga doktor, si Kelly pa ay gustong mag-Skype habang ginagamot nila ito.

Matapos siyang mai-release mula sa ospital, ay in-upload niya ang dash cam video, na kanyang tinawag na, "Me Driving Like an Idiot," at siya ay naaresto kinabukasan.

Ginamit ng pulis ang video bilang ebidensiya laban kay Kelly, na kasalukuyang nakakulong, at ang kanyang bond ay nasa halagang 46,000 dollars.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH