Lalaki sa Minnesota, pinatay ang kapitbahay dahil pinapakain nito ang mga usa!

Kapag nakakita ka ng mga wild deer, o usa, na malapit sa bahay ng pamilyang Zumberge, sa suburban Minneapolis..huwag na huwag kayong lalapit! At anuman ang gawin ninyo, huwag niyong pakainin ang mga usa!

Matagal nang hindi natutuwa ang mga Zumberge sa kanilang mga kapitbahay -- nakakuha daw sila ng lyme disease mula sa mga kuto na pinapakain ng mga kapitbahay sa mga usa.

Kaya sinugod ng 23-year-old na si Jacob Zumberge ang isang bingo parlor, ung saan naglalaro ang mga kapitbahay, at sinabi sa kanilang susunugin niya ang kanilang bahay.

Nagtawag ng pulis ang kapitbahay, at si Jacob ay naaresto at nakulong. Mas lalong hindi natuwa si Mommy Zumberge.

Pumunta siya sa bahay ng mga kapitbahay, at sinigawan ang mga ito. At sumugod din sa kapitbahay si Daddy Zumberge, dala ang isang 12-gauge shotgun --- na kanyang ginamit sa pagbaril sa mga kapitbahay! Namatay ang lalaki, at ang babae naman ay naligtas matapos siyang tamaan sa abdomen.

Pareho ngayong nakakulong ang mag-amang Zumberge, na mukhang matatagalan pa bago sila mag-aalala tungkol sa mga nagpapakain ng mga usa.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH