Lalaki, namatay sa loob ng fortune cookie mixer sa isang factory sa Houston, Texas!

Lalaki, natagpuang patay sa isang fortune cookie factory sa Houston, Texas.

Alam namin na ang mamatay sa isang tasang puno ng masarap na cookie dough ay maaring nasa wish list ng iilang mga tao...

Pero sabi nga nila: "be careful what you wish for."

Ang katawan ng isang lalaki ay natagpuan sa loob ng fortune cookie dough mixer, sa Wonton Food Incorporated factory, noong Linggo.

Isa sa mga employado ng factory ang tagapag-paandar ng mixing machine, na ginagawa ang masa ng fortune cookies.

Ang 26-year-old na employado ay -- para sa hindi malinaw na dahilan -- ay namatay, nang siya ay napasama sa ibang mga sangkap na nasa loob ng mixer!

Nadurog siya ng makina, at hindi napansin ng iba ang aksidente.

Isa pang employado ang nagpa-andar sa makina, Linggo ng hapon, at nakita niya ang katawan ng lalaki, na nakadikit sa loob ng mixer.

Hindi nai-release ang pangalan ng biktima, at hindi nagsususpetsya ng foul play ang pulis.

Hindi pa nagko-comment ang Wonton foods tungkol sa insidente...pero sa susunod na may magbibigay sa amin ng fortune cookie, ay mahihirapan kaming kainin ito.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH