60 high school students, naaresto para sa isang biro, sa New Jersey!

Mahigit animnapung teenagers ang naaresto, para sa isang high school senior prank, sa New Jersey!

Hiyang-hiya ang ilang dosenang estudyante ng Teaneck High School sa New Jersey, at iilan sa kanila ang maaring makasuhan ng krimen, matapos silang mahuli ng pulis, Huwebes ng umaga.

Pinasok ng mahigit animnapung estudyante ang Teaneck High School, ala una ng madaling araw.

Bilang biro, at hinila nila ang mga lamesa't upuan palabas mula sa mga classroom, at pinuno ng dumi ang mga hallway.

Pero may mga estudyanteng inihian din ang mga hallway, na hindi na nakakatawa.

Pinaglalagay nila ang hilaw na pagkain sa kung saan-saan, at nilagyan ng petroleum jelly ang mga door knob, para madulas.

Nag-enjoy sila nang husto, nang dumating ang mga pulis, na natip-ff ng alarm ng eskuwelahan.

Napanood din pala ng pulis nang real-time ag kalokohan ng mga estudyante, salamat sa mga CCTV security cameras.

May mga tumakbo, may mga nagtago. Ilang beses ding napa-balik-balik ang pulis, para lang mahatid ang animnapu't dalawang estudyante sa presinto.

Tatlumpu't walo sa kanila ay masyadong bata, at napauwi na sa kanilang mga magulang, na tiyak na may nakahandang parusa.

Ang mga over 18 years old ay maaring humarap sa mga kriminal na kaso, gaya ng trespassing, burglary, at criminal mischief.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH