Taiwanese na milyonaryo, pinalaki nang labing-walong taon ang anak ng ibang lalaki!

Milyonaryo, pinalaki nang labingwalong taon ang kanyang anak, bago niya nalaman na anak pala ito ng iba!

Isang milyonaryong nagngangalang Chen, mula sa Hsinchu, Taiwan, ang nagulat nang nalaman niyang ang kanyang labing-walong taong gulang na anak, ay anak pala ng iba.

Dalawampung taon nang kinasal si Chen sa isang babaeng nagngangalang Lee, na mabilis na nabuntis matapos ang kanilang honeymoon.

Sa dalawampung taon na sila ay mag-asawa, si Lee ay nagkaroon ng affair, sa apat na lalake, na alam ni Chen.

Pero hangga't hindi sinabi ng isa niyang kaibigan, na hindi siya kamukha ng kanyang anak -- ay hindi naisip ni Chen na magsagawa ng DNA test. Base sa resulta, hindi si Chen ang ama ng kanilang 18-year-old na anak.

Ikinasal pala si Lee kay Chen, habang buntis sa anak ng ibang lalake!

Si Chen, na hiniwalayan si Lee, ay nag-file na ng divorce at umaapela sa Hsinchu District Court na i-dismiss ang kanyang relasyon sa kanyang anak.

Tumanggi si Lee na pirmahan ang divorce papers; hindi daw siya pipirma hangga't hindi siya binibilhan ng mansion ni Chen.

Pero dahil dalawang dekada na siyang naloko ni Lee, ay hindi daw siya bibigyan ni Chen ng kahit na ano.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH