Four-way, wife-swapping sex party sa Texas, nauwi sa kamatayan ng isang lalake!

Four-way sex party, nauwi sa kamatayan ng isang lalake, at walang nakapag-sex!

Isang lalake sa San Antonio, na ayon sa pulis ay nag-arrange ng isang four-way sex party, kasama ang kanyang asawa, noong April 25...ay nagkaroon ng blue balls....dahil natagpuan ng pulis ang kanyang katawan, na nakalutang sa isang ilog.

Ang lalake, na si Michael A. Ochoa, ay nahulog mula sa 18th floor ng Hilton Palacio del Rio Hotel, bago mag-alas dos ng madaling araw. Ang asawa niya, na natagpuang bugbog at lasing sa nawasak na hotel room, ay nagbigay ng tatlong magkakaibang bersiyon ng mga pangyayari.

Binati daw ng mag-asawang Ochoa ang isa pang mag-asawa sa hotel room, pero nagbago ang isip ng babae.

May nagalit, at nag-away raw si Ochoa, ang asawa niya, at ang isa pang lalake.

Nakakapagtaka na may mga kalmot si Ochoa sa kanyang likod at balakang. Anong klaseng away ito?

Pagkatapos, ay umalis ang mag-asawa. Sinuntok daw ni Ochoa ang kanyang asawa sa ulo, at dumating ang mga security guards.

Ayon sa asawa, tumakbo si Ochoa sa balcony para takasan ang security, pero hindi niya alam na nahulog pala ito.

Ayon sa mga security guards, nakarinig sila ng malaking splash, at nakita nilang nakalutang sa ilog si Ochoa.

Kahit na makikitang paalis ang isa pang mag-asawa sa CCTV footage -- dahil sa kalabuan ng kuwento ng asawa ni Ochoa ay wala pang nakakasuhan ang San Antonio PD sa napaka-weird na insidenteng ito.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH