Surprise Me!

Teenager sa Kentucky, pinatay ng pulis, dahil ayaw magpakuha ng sobriety test?

2015-04-14 3 Dailymotion

Teenager sa Kentucky, pinatay ng pulis, dahil ayaw magpakuha ng sobriety test?

Isang 19-year-old na babae sa Kentucky, nabaril at napatay ng pulis, habang paalis mula sa isang field party!

Ito si Samantha Ramsey...Sam, sa kanyang mga kaibigan.

Si Sam at tatlong kaibigan ay paalis mula sa isang field party sa Hebron, Kentucky, noong Sabado -- nang siya ay nabaril at napatay ng Boone County deputy na si Tyler Brockman.

Naging debate ngayon kung ano ang nangyari, at kung bakit nauwi ang lahat sa patayan.

Ang siguradong nangyari, ay umalis si Sam at tatlong kaibigan mula sa party sa isang field malapit sa Ohio River, alas dos ng madaling araw.

Nakasalubong nila si deputy Brockman, na nagsasagawa ng road sobriety tests, matapos makatanggap ng mga report tungkol sa party.

Ayon sa pulis, hindi pinansin nila Sam ang utos ng deputy na huminto, at napabilis pa ito sa pag-andar. Napasampa ang deputy sa hood ng kotse, at binaril niya ng apat na beses ang windshield.

Pero ayon sa mga kaibigan ni Sam, na nakasakay rin sa kotse, gumamit ng unnecessary force si Brockman; tumalon ito nang kusa sa hood at nagpaputok ng baril.

Si Ramsey ay natamaan ng at least isang bala, at nakumpirmang patay sa isang ospital sa Florence.

Ayon sa Boone County Police, ang insidente ay nakunan ng dashcam ng deputy, at ire-review nila ito bago ito mai-re-release sa publiko.

Si Brockman ay nailagay na sa administrative leave, hanggang sa matapos ang imbestigasyon ng insidente.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Buy Now on CodeCanyon