Lalaki, ninakawan ang isang ice cream shop, gamit ang isang injection na puno ng AIDS!

Si Katherine Pepin ay mag-isang nagtatrabaho sa Baskin Robbins sa Southwest Broadway, sa Portland.

Naghahanda na siyang isara ang tindahan, alas nuwebe ng gabi noong Martes...nang pumasok ang isang lalaki, at sinabing, "Ito ay isang robbery. Ang injection na ito ay puno ng AIDS."

Nakita ni Pepin ang injection, at nakita na may laman itong madugong likido.

Inutusan siya ng lalaki na buksan ang cash drawer, na sinundan ni Pepin.

Inabot ni Pepin ang pera sa lalaki, at pinilit na tandaan ang kanyang itsura.

Umalis ang lalaki, at tumawid ng kalsada si Pepin para tumawag sa 911.

Itinukoy niya ang suspect bilang isang Caucasian na lalaking nasa kanyang 20s, 5'9" ang tangkad, at may suot na salamin...ito ang itsura ng kalahati ng tao sa Portland.

Kinabukasan ay bumalik sa trabaho si Pepin, pero hindi na siya maiiwang mag-isa...dahil ang insidente ay ikalawang pagnanakaw na sa location na iyon, sa loob ng dalawang linggo.

Hindi kami makapaniwala na may gagamit ng ganitong klaseng bagay para nakawan at takutin ang mga tao.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH