Pulis sa Tennesee, sinakal ang lasing pero hindi lumalaban na college student!

Pulis sa Tennessee, sinakal ang lasing pero hindi naman lumalaban na college student.

Isang party sa University of Tennessee sa Knoxville ang nagkagulo noong Sabado, nang mahigit walong daang estudyante ang nagpunta, para i-celebrate ang pagtatapos ng final exams.

Animnapung police deputies mula sa nalalapit na jurisdicitons ang nagpakita, para ayusin ang gulo, pero ang kagagawan ni deputy Frank Phillips, ng Knox County, ang nakaakit ng atensiyon sa Internet.

Pagdating ng mga pulis, may mga taong nagtatalon sa mga kotse, at naghahagis ng mga bote.

Ang 21-year-old na si Jarod Dotson ay naaresto para sa open container, at napalakad nang isang block papunta sa naghihintay na police van.

Napansin ng freelance photojournalist na si John Messner na naaresto si Jarrod, at kumuha siya ng mga litrato.

Habang hina-handcuff ng dalawang officers si Jarrod mula sa likod, sinakal ni deputy Frank Phillips si Jarrod, gamit ag dalawa niyang kamay.

Nawalan ng malay si Jarrod, dahil hindi siya makahinga.

Sa mga litrato ni Messner, makikitang hindi nilalabanan ni Jarrod ang mga pulis, kahit na siya ay nagsimula nang mawalan ng malay.

Sinampal ng mga pulis para gisingin si Jarrod, pero nang hindi ito nagising, ay sumuko ang mga officers, at dinala si Jarrod sa booking.

Si Jarrod Dotson ay nakasuhan ng resisting arrest, kahit na hindi siya nag-resist, at siya pa ay nasakal hanggang sa nawalan siya ng malay. Pero salamat sa mga litrato ni Messner, si deputy Phillips ay nawalan ng trabaho kinabukasan.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH