Viral video: Lasing na lalaki, sinugod at inaresto ng pulis sa Green Bay!

Lasing na lalaki, na-takedown ng Green Bay pulis sa isang viral video!

Sa video na ito, na nakunan, closing time noong Sabado sa Green Bay Wisconsin, mapapanood si officer Derek Wicklund na sinugod ang lasing na si Joshua Wenzel, bago ito inaresto.

Pasara na ang isang popular na bar sa Green Bay, Sabado ng umaga, at nakatayo sa labas ang mga lasing na customer.

Inaaresto ng mga police officers ang kaibigan ni Wenzel para sa paglabag sa open container laws.

Maririnig si Wenzel sa video na tinatanong kung ano ang ginawa ng kanyang kaibigan, bago siya tinulak paalis ni Officer Wicklund.

Sinigawan at minura ni Wenzel ang officer, na sinugod ito at natulak siya papunta sa hood ng isang cruiser.

Si Wenzel ay inaresto, habang kumukuha ng video ang kanyang kaibigan.

Nabigyan si Wenzel ng ticket para sa misdemeanor disorderly conduct at resisting arrest. Sinabi niya sa isang TV reporter na hindi siya nasaktan.

Ayon sa Green Bay police captain na si Bill Galvin, iniimbestigahan ng department ang insidente, pero lahat ng officers nila ay nasa active duty.

Samantala, ang paborito naming comment so far sa online debate ay galing kay Andrizzlecheck.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH