Wendy's cashier sa Texas, na-biktima ng "Smack Cam!"

'Smack cam' prankster, haharap sa mga assault charges.

Mga loko-lokong nanampal ng isang Wendy's cashier sa Texas, para sa 'smack cam' ay haharap ngayon sa mga assault charges. May natatawa pa ba diyan?

Alam niyo ba kung ano ang 'smack cam?'

Ito ay isang pauso sa Internet, kung saan sinasampal ng isang tao ang isang walang kamalay-malay na tao, habang kumukuha ng video ang isa pang tao, na ipo-post ang video sa Internet, para matawa ang libo-libong taong hindi nila kilala. At isa sa mga loko-lokong ito ang sumobra.

Kailan lang ay nag-post ang Austin rapper na si Kade Fresco ng video, kung saan dalawang batang lalaki at isang adult ang makikitang nagre-record ng intro sa isang Wendy's parking lot.

Masyadong marumi ang kanilang pananalita para iparinig sa inyo, pero mahuhulaan niyo na rin kung ano ang kanilang sinasabi.

Kumapit sa counter ang isang bata, at BAM! Sinampal niya ang cashier sa mukha! Tumawa ang bata, sabay sakay sa kotse at tumakas paalis.

Ang cashier, ang 16-year-old na si Calaybra Jones, ay nahiya, nalungkot, at nagalit.

Hinahanap ngayon ng mga awtoridad sa Austin ang mga suspects, na maari nilang kasuhan ng assault. Yes, please -- paiyakin po ang mga iyan!

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH