Babae, nagpatuloy sa pamimili, habang nag-aaway ang pulis at scammer sa isang tindahan!

Babae, nagpatuloy sa pag-shopping sa shop, habang nag-aaway ang pulis at isang scammer!

Kalmado, o walang pakialam? Isang babae ang nagpatuloy sa kanyang pamimili, habang pinapanood ang pag-struggle ng pulis at isang scam artist malapit sa isang ATM, sa isang convenience store sa Taiwan.

Dalawang police officers ang nagtangkang arestuhin ang scam artist, habang patuloy sa pag-shopping ang babae sa video. Hindi namin alam kung natural lang siyang kalmado, o kung wala lang tagala siyang pakialam.

Ang 28-year-old na si Chiu Bo-Hsiang (邱柏翔) at 32-year-old na si Chiang Chi-Feng (江吉峰) ay mga low-level frontmen para sa isang gang ng magnanakaw, na nasa Taiwan at China.

Nahuli sila sa akto, noong isang araw, at makikitang nilalabanan ni Chiu ang mga pulis, habang inaaresto siya ng mga ito.

Samantalang ang babaeng naka-itim na T-shirt ay malumanay na nagpatuloy sa kanyang pamimili, na parang walang gulong nangyayari.

Isang lalaki pa ang makikitang kumuha ng isang inumin mula sa ref, bago siya umalis.

Nahanap ng pulis ang limampu't anim na pekeng bank cards sa mga scam artists, at cash na nasa halanag 65, 000 USD.

Ang mga scammers ay nasa police custody, at kasalukuyang iniimbestigahan para sa fraud at money laundering.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH